Speech for 15th Joint VFP and VFP Sons & Daughters Regional Assembly Region IV

PROPOSED MESSAGE FOR THE ADMINISTRATOR

15th Joint VFP and VFP Sons & Daughters Regional Assembly

Region IV

Guimaras Capitol Gym, San Miguel, Jordan, Guimaras

20 April 2016, 9:00 AM

Theme: ‘Ipagpatuloy ang Adhikain ng mga Beterano sa Bagong Siglo’

 

[AMENITIES]

 

CONGRESSMAN JC RAHMAN NAVA; GOVERNOR SAMUEL GUMARIN, MAYOR CRESENTE CHAVEZ;

 

VETERAN BONIFACIO DE GRACIA, VFP PRESIDENT; VETERAN HANNIBAL LIPARDO, REGIONAL PRESIDENT VFP REGION 6; VETERAN ROGELIO MORAN, REGIONAL VICE PRESIDENT VFP REGION 6; CAPT. NILO TESORO, REGIONAL VICE PRESIDENT VFPSDAI REGION 6; VETERAN FELIMON GUYAPA, VFP DISTRICT PRESIDENT;

 

LADIES AND GENTLEMEN…

 

GOOD DAY TO ALL OF YOU!

 

IT IS AN HONOR TO BE INVITED IN THIS GATHERING OF MY FELLOW VETERANS AND THEIR SONS AND DAUGHTERS. IN THIS AUSPICIOUS EVENT ARE DIFFERENT GENERATIONS ENTANGLED WITH ONE GOAL OF PURSUING THE STRUGGLES OF OUR VETERANS FOR THE PROGRESS OF THIS NATION’S FUTURE AND FOR GENERATIONS TO COME. THIS GOAL IS CLEARLY REFLECTED IN YOUR THEME “IPAGPATULOY ANG MGA ADHIKAIN NG MGA BETERANO SA BAGONG SIGLO”.

 

NAKAKATUWA PO NA KAISA KO ANG VETERANS FEDERATION OF THE PHILIPPINES AT ANG VFP-SONS AND DAUGHTERS ASSOCIATION SA ADHIKAING PALAWAKIN ANG KAALAMAN NG BAWAT PILIPINO SA MGA SAKRIPISYO NG MGA BETERANO AT HIKAYATIN ANG LAHAT NA BIGYANG PUGAY AT PARANGALAN ANG MGA SAKRIPISYONG ITO. ALAM NAMAN NATING LAHAT NA HINDI BIRO ANG TALIKURAN ANG SARILING INTERES AT IWANAN ANG PAMILYA UPANG SUMABAK SA GIYERA KAYA NARARAPAT LAMANG NA IBIGAY SA MGA BETERANO ANG PAGPUPUGAY AT BENEPISYONG DAPAT LAMANG NILANG MAKAMIT. KAUGNAY NITO AY BUONG PAGMAMALAKI KO PONG IBINABALITA ANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS NG 2016 PHILIPPINE VETERANS WEEK KUNG SAAN AY BINIGYANG PARANGAL NG PVAO ANG APATNAPU’T WALONG BETERANO AT KINILALA ANG KATAPANGAN NG LAHAT NG MGA BETERANO, BUHAY MAN O NAMAPAYAPA NA.

 

NAGAGALAK DIN AKONG MAGBALITA SA INYO NA NABANGGIT NG ATING MAHAL NA PANGULONG BENIGNO S. AQUINO III ANG MGA REPORMANG PATULOY NA ISINASAGAWA NG PVAO UPANG MAPABUTI ANG AMING SERBISYO SA BAWAT BETERANO.

 

UNA NA NGA PONG NABANGGIT NG PANGULO ANG REPORMA NG PVAO SA PAGLILINIS NG LISTAHAN NG MGA NAKATATANGGAP NG AYUDA SA PAMAMAGITAN NG PENSIONERS’ VALIDATION PROGRAM UPANG MASIGURO NA ANG AYUDA AY MAKAKARATING NG DIREKTA SA MGA DAPAT NA MAKATANGGAP NITO. IBINALITA RIN NIYA ANG TAGUMPAY NG VETERANS HOSPITALIZATION PROGRAM—“SA NAKARAANG HALOS ANIM NA TAON, 10,600 MGA BETERANO O MGA KAANAK NINYO ANG LIBRENG NAKAPAGPAGAMOT—HINDI LANG SA VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER, PERO PATI NA SA 183 ACCREDITED NA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG OSPITAL SA BUONG BANSA. NASA HALAGANG P91 MILLION NA NGA PO ANG HALAGANG NAISUKLI NG TAUMBAYAN SA INYONG SAKRIPISYO SA ILALIM NG PROGRAMANG ITO,” WIKA NG PANGULO.

 

PERSONAL RIN NIYANG INIHAYAG ANG PAGTAAS NG HOSPITALIZATION SUBSIDY MULA Php 1,200 HANGGANG Php 1,500 AT MAGING ANG PAGPAPAGANDA NG VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER NA MAYROON NA NGAYONG EYE CENTER; RENOVATED NA ANG OPERATING ROOM COMPLEX, MEDICAL INTENSIVE CARE UNIT, AT OUTPATIENT DEPARTMENT COMPLEX. NAPALAWAK NA RIN ANG RENAL DIALYSIS UNIT, MEDICAL INTENSIVE THERAPY UNIT, AT POST-ANAESTHESIA CARE UNIT. SINABI RIN NI PANGULONG AQUINO NA PATI ANG EDUKASIYON NG MGA DESCENDANTS AY TINUTUTUKAN RIN—ANG MGA DIRECT DESCENDANTS NG AY NAKAKATANGGAP NA NG HANGGANG Php 36,000 KADA TAON BILANG TULONG PINANSIYAL SA KOLEHIYO.

 

ANG LAHAT PO NG TAGUMPAY NA ITO AY DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAGPUPURSIGI NG PVAO NA  MAIBIGAY SA MGA BETERANO AT SA MGA MAHAL NILA SA BUHAY ANG BENEPISYONG NARARAPAT LAMANG NA MATANGGAP NILA. KAMI PO AY PATULOY NA NAGSISIKAP NA MAPALAWAK PA ANG PAGSERBISYO SA INYO.

 

LET ME ALSO TAKE THIS OPPORTUNITY TO THANK VFP AND VFP-SDAI FOR BEING PVAO’S ALLIES IN PUSHING FOR THE WELFARE OF OUR VETERANS. THANK YOU FOR BEING ONE WITH US AND FOR YOUR CONTINUED DRIVE TO ENSURE THAT OUR HEROES ARE WELL TAKEN CARE OF.

 

HINDI KO PA ITO PATATAGALIN PA. HANGAD NAMIN SA PVAO ANG TAGUMPAY NG REGIONAL ASSEMBLY NA ITO. ANG TAGUMPAY PO NINYO AY TAGUMPAY NG LAHAT NG MGA BETERANO.

 

SALAMAT GID AT MAAYONG ADLAW SA IMO NGA TANAN!

 

 

 

 

Leave a comment